MIGRANTE BOLOGNA
BOLOGNA ITALY.
Ika- 23 Nobyembre, 2018
OPISYAL NA ULAT SA NAGANAP NA CASER FORUM
Kalayaan, kaunlaran at katarungangan panlipunan.
Matagumpay na inilunsad ang forum ng CASER, sama samang pinagaralan ang ang mga nilalalaman ng panukalang kasunduan na lulutas sa mga suliranin ng ating bansa. Layunin din Ang FORUM ANG direktang partisipasyon bilang ofw dito sa italya sa usapin ng PANGKAPAYAPAAN .
naging aktibo tayo kasama ang ating mga kababayan sa pakikinig at pagtatanong mula sa kapakinabangan ng CASER ang itinuturing PUSO AT BITUKA ng usaping pangkapayapaan.
Mula sa hanay ng migranteng manggagawa napakahalaga na marinig namin ang nilalalaman ng mga probisyon ng CASER kung saan ito ang pinaguusapan ng magkabilang panig ang GRP at NDFP. Layunin ng CASER FORUM ang direktang ugnayan sa mga negosyador upang magbigay ng mungkahi, maiabot ang aming katanungan para sa aming pakinabang bilang migranteng manggagawa Batay sa isyung pinaguusapan sa usaping pangkapayapaan.
Ang pamunuan ng migrante bologna ay nanatiling bukas upang sama samang pagaralan ang lahat na mungkahi at katanungan mga hinaing at obserbasyon, bilang migranteng manggagawa kasama niyo rin kami na naghahangad ng isang maunlad at mapayapang pilipinas upang sa ganon ang pagiging OFW ang isang option na lamang at wakasan ang lumulobong bilang ng mga pilipinong umaalis araw araw para mangibang bansa.
Para sa mga KABABAYAN nagpaabot ng MGA KATANUNGAN at MUNGKAHI sa katatapos na CASER FORUM saludo po kami sa inyo at sinamahan niyo kami sa pagtatanong salamat din sa mga nagbigay ng mensahe upang manawagan ng pagkakaisa para ipaglaban ang ating karapatan upang magkaroon ng lubos na kalayaan , kaunlaran at katarungan panlipunan ang ating bansa.
Nakikiisa rin kami upang manawagan sa magkabilang panig lalo na GOBYERNO at kay pangulong DUTERTE na ituloy ang usaping pangkapayapaan.
Seryosohin din ang pagresolba sa patuloy na paglubog ng ekonomiya , ang lumalalang problema sa droga , talamak na KURAPSIYON sa gobyerno, kawalan ng trabaho, mahal na presyo ng mga bilihin dulot ng 6.4 na implasyon, sa kabila ng pangakong uunlad ang pilipinas at aangat ang ating kabuhayan dahil sa pagpapatupad ng TRAIN LAW ang bagong batas sa pagbubuwis ay tila kabaliktaran bagkos lalong naghirap ang mga ordinaryong pilipino at aming pamilya.
Nilalaman din ang CASER ang probisyon upang protektahan ang ating soberanya ang lumalalang sigalot sa west Philippine sea at ang patuloy na pangangamkam ng CHINA sa mga isla na ating nasasakupan.
Ang hindi pag-alma at pagwalang kibo ng ating gobyerno para iprotesta ang agrisibong mga hakbang ng gobyerno ng china para kamkamin ang ating nasasakupan ay amin inaalmahan dapat lang na kumilos ang GOBYERNO upang proteksiyonan ating soberanya para sa interes ng mga pilipino at sa susunod na henerasyon.
Ang migrante bologna ay nagpapasalamat sa mga kapwa migrante mga kasama na nagpaabot ng tulong pinansiyal , mga nagluto ng mga pagkain gayon din sa mga kababayan na dumalo. Maraming salamat din sa ating pangunahing tagapagsalita mula The Netherlands kay LUIS JALANDONI at CONNIE LEDESMA .
MABUHAY ANG MIGRANTENG MANGGAGAWA !!!