Pabatid sa lahat ng kababayan kaugnay ng COVID-19

0
10580

Para sa: Lahat ng kasapian ng Migrante Netherlands Den Haag at sa buong Filipino community sa Netherlands.

Mga kababayan, alam na natin ang mga kaganapang dulot ng Corona virus o COVID 19. Dito sa Netherlands ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga nahahawaan ng sakit na ito. Kaya naman ang ating organisasyon ay nakatutok din sa mga balita at sa mga kaganapan. Anumang impormasyon ay mabilis nating ipinapaabot sa atin chat group. Ating alagaan ang ating kalusugan para na rin sa ating mga pamilya na nasa Pilipinas na umaasa sa atin.

Sa kasalukuyan, inirerekomenda ng Migrante Europe, at Migrante Netherlands Den Haag sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Europe ang mga sumusunod:

1. Iwasan ang kontak sa mga maysakit.

2. Iwasan ang paghawak sa mata, ilong at bibig kung di nakapaghugas ng kamay.

3. Ugaliing maghugas ng kamay ng tubig at sabon ng di bababa sa 20 segundo o kaya ay gumamit ng hand sanitizer na may 60-95% alcohol. Gumamit ng sabon at tubig kung may nakikitang dumi sa kamay.

4. Siguraduhing malinis ang kamay matapos gumamit ng banyo, bago kumain, matapos umubo, bumahing o kaya ay suminga.

5. Bantayan ang sariling kalusugan.

6. Maging mapagbantay sa paalala at payo hinggil sa kalusugan sa inyong lugar.

Kung ikaw ay nasa isang lugar kung saang mayroon nang naulat na nahawa sa Covid-19 virus at may karamdamang lagnat, pag-ubo at nahihirapan sa paghinga, gawin ang mga sumusunod:

1. Kunin ang inyong temperatura.

2. Kumuha ng payong medikal. Tumawag muna sa opisina ng doktor or kaya ay emergency room sa inyong lugar. Ilahad sa kanila ang inyong mga biyahe at address ng lugar na tinitirhan na may naiulat na may kaso ng Covid-19 virus, at ang iyong mga sintomas.

3. Iwasan ang kontak sa ibang tao.

4. Huwag bumiyahe kung may karamdaman o sakit.

5. Takpan ang inyong bibig o ilong ng tissue o ng iyong sleeve (hindi ng kamay) kapag umuubo o bumabahing at suminga

6. Maghugas ng kamay na gamit ang sabon at tubig ng di bababa sa 20 segundo or kaya ay gumamit ng hand sanitizer na may alcohol mula 60-95% matapos umubo, bumahing o suminga. Gumamit ng sabon at tubig kung makitang marumi ang kamay.

7. Kung may kakaibang nararamdaman agad tumawag sa RIVM 0800-1351.

8. Makipag-ugnayan sa ating mga opisyales ng ating organisayon.

Maraming salamat.

Cora Espanto, Chairperson
Virgie Lozada, Vice-Chairperson Internal
Marlon Toledo Lacsamana, Vice-Chairperson External
Rachel Steinebach, Treasurer
Mharee David, Secretary
Rosalie Detras Jonker, Auditor

Para sa ibayong katanungan, mag-email sa [email protected].

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here