Wala kaming utang na loob sa inyo; Paunawa sa mga halal na opisyal

0
761
Ezra Acayan/Getty Images
Hango mula sa facebook

Hindi namin kayo pinakiusapang kumandidato sa halip ay kayo ang nakiusap sa amin na iboto kayo at iluklok sa pwesto.

Noong kayo ay kumakatok sa mga bahay namin para humingi ng aming boto, kayo ay nangakong magseserbisyo sa amin, ipaglalaban at pangangalagaan ang aming mga karapatan, tutulungan kami sa panahon ng mga sakuna at kalamidad.

Ngayon pong binawalan ang mga tao na makalabas ng bahay at makapagtrabaho, may kaya man o mahihirap, lahat ay nalagay sa alanganing sitwasyon. Lahat po ay natigil ang kabuhayan maliban sa iilan na nabibilang sa mga industriya na tinatawag na esensyal.

Tayo po ay papasok na sa ikatlong linggo ng quarantine at lahat ay NAKAKARAMDAM NA NG KAGIPITAN maliban na lamang sa iilan na totoong nakatataas ang kalagayan sa buhay. Ang mga working class ay nauubusan na rin ng pambili ng mga pangangailangan.

Kaya mga pinagpipitagan naming opisyal, ‘wag nyo pong iparamdam na NANGHIHINGI ang inyong nasasakupan. Wag nyo pong ipamukha na kami ay naghihintay at umaasa sa inyong 2 kilong bigas, ilang delata at ilang noodles.

Ang gusto lamang naming makita at maramdaman ay ang TAOS PUSO ninyong pagdamay sa amin na maaaring gawin hindi lamang sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods.

Wag po kayong umastang parang napipilitan lamang. Wag po kayong umaktong parang may utang na loob kami sa inyo.

Kayo bilang mga halal na opisyal ang nakiusap na ipwesto namin kayo sa inyong kinauupuan ngayon. Kayo ang nagprisintang maging lider namin.

Ibigay nyo ang tulong na nararapat PARA SA LAHAT nang walang kinikilingan. Wag nyo ring ibuhos lamang ang tulong sa mga bumoto sa inyo.

Gumaya po sana kayo sa mga masisipag na opisyales ng ilang lugar sa bansa na ngayon ay lalong napapamahal sa taumbayan dahil nakikita hindi lamang ng kanilang nasasakupan kundi maging ng buong bansa ang kanilang husay at dedikasyon sa pagseserbisyo publiko.

Pakatandaan na ang itinutulong nyo ay hindi galing sa bulsa ninyo kundi sa ibinubuwis namin o kaya naman ay galing sa mga pribadong indibidwal at grupong ang adhikain ay makatulong din sa bayan ngayong panahon ng pangangailangan.

Kami po ay nagmamasid at nangangakong pakatatandaan ang lahat ng ginagawa nyo. Ang isang buwan na ito ng quarantine ay magsisilbing EYE OPENER sa mga botanteng nagkamali sa pagpili SAINYO??✌.

SALAMAT PO.

#Halalan2024 #ENHANCEDCOMMUNITYQUARANTINE #STAYHOMESAVELIVES #FIGHTAGAINSTCOVID19 #COPYPASTE #CTTO #COVID19PH #coronavirus #DuterteVirus

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here