Paaralang Migrante: Sagip Migrante Covid19 Response

0
2543

Sa ibayong paglala ng krisis hatid ng pandemyang Covid-19, marami na naman sa ating mga kababayan sa Netherlands ang nawawalan ng trabaho at sapat na kita upang mabuhay sa Europa at upang masuportahan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Sa pahayag ni Prime Minister Mark Rutte noong Oktubre 13 kaugnay ng mga alituntunin upang maiwasan ang ibayong pagdami ng mga kaso ng pagkahawa sa Covid-19, mahigpit ang pagpapatupad nito sa lahat ng mamamayan, institusyon at pagawaan. Sa partikular, mahigpit ang habilin sa sektor ng horeca (hotel, restaurant at cafe) at mga kabahayan kung saan marami sa mga Filipino ang nagtratrabaho sa pamamagitan ng pansamantalang kontrata at impormal na kasunduan.

Sagip Migrante Medical Aid

Kung ikaw ay nakakaramdam ng mga sintomas ng Covid-19, ano ang nararapat gawin? Kung ikaw ay walang insurance, saan ka tatakbo? Aling mga numero at ahensiya ng pamahalaan ang mahalagang malaman ng bawat isa at mailagay sa telepono? Kung ikaw ay nakakaramdam ng mga sintomas ng anxiety o matinding takot at panik, sino ang maaaring makatulong saĆ½o?

Sagip Migrante Legal Aid

Kung ikaw ay biglaang tinanggal sa trabaho, anu-ano ang iyong mga ligal na karapatan sang-ayon sa iyong kontrata at panahon ng pagtratrabaho? Kung ikaw ay walang papel ngunit matagal nang naninilbihan sa iba’t ibang pamilya, anu-ano ang iyong mga ligal na karapatan? Paano magkaroon ng akses sa sosyalisadong serbisyong ligal (mura o libreng serbisyo ng abogado) sa Netherlands?

Sagip Migrante Food & Financial Aid

Kung ikaw ay wala nang pambili ng pagkain at pambayad sa upa sa bahay, aling mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong mga insitusyon ka maaaring dumulog ng tulong?

Sagip Migrante Balikbayan Aid

Kung ikaw ay nababahala sa sariling kaligtasan at sustenadong pamumuhay dito sa Netherlands at malakas ang iyong kagustuhang makapiling na ang iyong pamilya sa Pilipinas ngunit ikaw ay walang pera upang makaalis, saan maaaring humingi ng tulong para magkaroon ng libreng pamasahe sa eroplano at maging ng kaunting puhunan para sa maaaring ikabubuhay sa Pilipinas?

Dumalo sa Sagip Migrante Webinar

Alamin ang lahat ng ito sa Zoom webinar, Sagip Migrante Covid 19 Response. Ito ay libreng talakayan at konsultasyon kaya pinapayuhan ang mga kalahok na ihanda ang lahat ng mga katanungan, mga kaugnay na dokumento na nais ikonsulta at iba pa.

Para sa mga may kagyat na problema at usapin, maaaring magpadala ng paunang mensahe sa [email protected] at +31624617468.

Para sa link ng Zoom webinar, magparehistro po lamang dito: http://bit.ly/PaaralangMigrante.

Ang webinar ay inoorganisa tuwing Biyernes at tumatalakay sa mga usapin kaugnay ng Buhay Migrante. Kasama ng libreng Dutch lesson tuwing Sabado, ito ay handog ng Paaralang Migrante na inoorganisa ng Migrante Netherlands Den Haag.

****

Academy for Filipino Migrants in the Netherlands:
Webinar on Sagip Migrante (Saving Lives) Covid-19 Response


As the crisis brought about by the Covid 19 pandemic worsens, many Filipino migrants in the Netherlands are vulnerable of losing their job and main source of income to sustain their cost of living in Europe and to be able to financially support their family in the Philippines.

In the recent declaration of Covid-19 measures by Prime Minister Mark Rutte on October 13, 2020, all citizens, institutions and companies nationwide are obliged to follow stricter measures to prevent the spread of virus. The implementation in the horeca (hotel, restaurant and cafe) sector and households are of special mention wherein many Filipino migrants are working with temporary contracts and informal arrangements.

Sagip Migrante Medical Aid

If you experience symptoms of Covid-19, what should you do? If you do not have an insurance, where should you go? Which hotlines of government agencies and private institutions are important for you to know and save in your phone? If you experience anxiety or severe fear and panick, who can help you?

Sagip Migrante Legal Aid

If you are retrenched from your job and your contract unexpectedly suspended, what are your legal rights based on your contract and length of service? If you are an undocumented but have long rendered services in various households or families, what legal right can you assert? How can you access the subsidized legal service in the Netherlands?

Sagip Migrante Food & Financial Aid

If you cannot afford anymore to buy food or pay accomodation rent, which government agencies and private institutions can you ask for help?

Sagip Migrante Balikbayan Aid

If you do not feel secure or is stressed about living sustainably in the Netherlands and you really have the desire to go back to the Philippines but do not have the means, where can you ask for help to avail of a free flight ticket and allowance for a small capital for a transition living in the Philippines?

Join us in the Sagip Migrante webinar

Know the answers to these questions and more in the Zoom webinar, Sagip Migrante Covid 19 response. The webinar is a free discussion and consultation. Participants are advised to prepare their questions, related documents etc.

For people with urgent concerns, please do not hesitate to send us a message through [email protected] and +31624617468.

For the Zoom Link, please register here: http://bit.ly/PaaralangMigrante.

The webinar is being organized every Friday and tackles issues concerning Migrants’ Lives. Along with free Dutch lesson every Saturday, it is offered by the Academy for Filipino Migrants in the Netherlands, an initiative of Migrante Netherlands Den Haag.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here