Pinakamataas na saludo ang handog ng Migrante Netherlands kay Kim Garcia: isang artista, anak ng bayan, kaibigan at kasama. Ang kanyang maiksi ngunit makabuluhang buhay ay mananatili sa alaala’t kasaysayan ng mamamayang Filipinong nakikibaka para sa demokrasya at kalayaan. Ito rin ay mananatili sa alaala’t kasaysayan ng anti-kapitalismo at anti-imperyalismong komunidad ng internasyunal na solidaridad sa Europa.
Si Kim ay isang punk, isang thrasher at isang skate master na namulat sa walang pakundangang kurapsyon, kawalan ng hustisya sa lipunang Filipino, pananatili ng pyudal na kaayusan, at pagkatali ng bansa sa imperyalistang Estados Unidos.
Si Kim ay isang pambihirang alagad ng sining. Naging bahagi siya ng progresibong organisasyon, Southern Tagalog Multimedia Production. Dito inalay niya ang kanyang talento sa sining biswal, potograpiya, pagsusulat at paglikha ng mga pelikulang nagbibigay-boses at pag-asa para sa mga mahirap at aping sektor sa lipunan.
Si Kim ay isang aktibista at bibong anak ng baranggay Migrante sa Netherlands. Sa kanyang pananahanan sa Netherlands upang makasama ang kanyang ina, ipinagpatuloy niya ang kanyang aktibong paglahok sa panlipunang pagbabago at pagtamo ng matagalang proseso ng demokrasya at kapayapaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang pagsapi sa progresibong grupong pangkabataan, ang Anakbayan Europa at ng pangkulturang organisasyon, ang Linangan Culture and Arts Network – Willem Geertman Brigade.
Kahit sa panahong nakikibuno at nanghihina na laban sa kanser, masigla siyang tumulong sa mga administratibo at teknikal na mga gawain para sa alyansa ng mga nakikibakang mamamayan sa buong mundo, ang International League of Peoples’ Struggle.
Si Kim ay isang rebolusyunaryo. Paborito niyang tambayan ang tanggapan ng National Democratic Front of the Philippines na nakabase sa Utrecht. Isa siyang maaasahang taguyod sa mga gawain, talakayan, programa, pulong at salu-salo. Siya rin ay dalisay na naglingkod para sa mga personal na pangngailangan ng mga kapi-kapitagang lider ng pakikibaka at rebolusyong Filipino gaya nina Prop. Jose Ma. Sison, Juliet de Lima, Luis Jalandoni, Coni Ledesma at kay Fidel Agcaoili, ang yumaong tagapangulo ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng NDFP.
Si Kim ay isang tunay na anak ng bayan. Hanggang sa kanyang huling mga linggo kung kailan siya ay nanghihina na sa dinadalang sakit, iniisip niya pa rin ang kanyang mga tungkulin bilang aktibista para sa minamahal na bayang Pilipinas.
Lubos ang pakikiramay at dalamhati ng Migrante Netherlands sa naiwang asawa at pamilya ni Kim.
Habang buong lakas naming maipagmamayabang at maisigaw sa mga kaaway ng bayan at sa mga umaabuso sa mamamayan: maraming Kim sa lipunang Filipino! Sila’y nakikibaka, sila’y nakikilahok at sila’y nakikidigma. Sila ang mga artista, sila ang mga kabataan at sila ang mga kababaihang hindi nagbubulagbulagan sa matagalan nang sakit ng lipunan. Bagkus, sila ay naglingkod sa sambayanan habang may buhay.
At sila ang mga migranteng Filipino. Sa bawat pamilya ng 12 milyong Filipino sa ibayong dagat, may isinisilang na Kim hangga’t nananatili ang kanser ng walang pakundangang kurapsyon at kawalan ng hustisya sa lipunang Filipino; ang pananatili ng pyudal na kaayusan at ang aliping pagkatali ng Pilipinas sa imperyalistang Estados Unidos na siyang ugat ng pang-aapi, kahirapan at pagpaslang sa karamihan ng mamamayang Filipino.
Mapulang pagpupugay at mapayapang paglalakbay Kim: anak ng bayan, kaibigan at kasama.
***
Migrante Netherlands offers the highest salute to Kim Garcia: an artist, daughter of the motherland, friend and comrade. Her brief but meaningful life will forever be cherished in the memory and history of the Filipino people’s struggle for democracy and liberation as well as of the anti-capitalist and anti-imperialist international solidarity community in Europe.
Kim is a punk, a thrasher and a skate master who did not play blind to the ruthless corruption and injustices in Filipino society; the dominance of a feudal order, and the country’s slave ties to the imperialist United States.
Kim is an artist who offered her talent for the people’s cause. She became part of the progressive organization, Southern Tagalog Multimedia Production. Here, she dedicated her capacity in visual arts, photography, writing and creating films that give voice and hope to the poor and oppressed sectors in society.
Kim is an activist and daughter of Migrante Filipino migrant communities in the Netherlands. During her stay in the Netherlands to be with her mother, she continued her active participation for social change and for achieving the long-term process of democracy and peace in the Philippines through her volunteer work and dedication to Filipino youth organization Anakbayan Europe and Linangan Culture and Arts Network – Willem Geertman Brigade.
Despite struggling with cancer, she even offered arduous help in administrative and technical tasks for the International League of Peoples’ Struggle.
Kim is a revolutionary. She liked to hangout in the office of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP) based in Utrecht. Here, she was a reliable hand in the mounting of events, educational discussions, meetings and get-togethers. She also sincerely assisted to the personal needs of respected leaders of the Filipino struggle and revolution such as Prof. Jose Ma. Sison, Juliet de Lima, Luis Jalandoni, Coni Ledesma and Fidel Agcaoili, the late chief of the peace talk panel between the government of the Philippines and the NDFP.
Kim is a real daughter of the motherland. Until her last weeks when she was already very weak due to illness, she kept on thinking about what else she can do for beloved Philippines as an activist.
Migrante Netherlands sends its deepest sympathy to Kim’s bereaved husband and family.
Kim may unfortunately have left us at too young age but we are proud to shout at the enemies of the people and to those who abuse the poor: there are many Kims in Filipino society. They are in the struggle, they participate, and they fight. They are the artists, the youth and the women who have opened their eyes to the illness of society and who are willing to serve the people until the end.
And they are the Filipino migrants. For every family of the 12 million Filipinos overseas, a Kim is born as long as the cancer of ruthless corruption and injustices in Filipino society; the dominance of feudal order and the country’s slave ties to the imperialist United States exist to oppress, retain poverty and kill the majority of the Filipino people.
To Kim: our dear daughter, friend and comrade – red salute and have a peaceful journey!