Home Countries Italy Pahayag ng Pakikiisa para sa ika-19 na Anibersaryo ng Umangat Migrante

Pahayag ng Pakikiisa para sa ika-19 na Anibersaryo ng Umangat Migrante

0
Pahayag ng Pakikiisa para sa ika-19 na Anibersaryo ng Umangat Migrante
Members and friends of Umangat-Migrante Rome on its 19th anniversary

Sa pangalan ng Migrante Europe, ipinapaabot ko ang isang maalab na pagbati sa mga opisyales at buong kasapian ng Umangat Migrante sa iyong ika 19 na taong anibersaryo ng pagkakatatag.

Ang kulang kulang dalawang dekadang paglilingkod ng Umangat Migrante sa pagsusulong ng interes at kagalingan ng mga Pilipinong migrante sa Roma at sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa isang masagana, mapayapa at malayang Pilipinas.

Mahalaga ang orgnisasyon sa buhay ng mga migrante at maging sa ibat-ibang sector ng lipunang Pilipino. Sa pamamagitan ng organisasyon nagkakaroon tayo ng pagkakataong tayoy ay magkahalubilo, magkabalitaan, magkasayahan, magtulungan, magdamayan. Pero higit sa lahat, mahalaga ang organisasyon sapagkat itoy nagiging isang malakas na boses ng nagkakaisaang kasapi ng organisasyong upang ang mga hinaing at mga magkahalintulad na problema ay maipaabot sa kinauukulan, at ang mga kolektibong plano ay naisasakatuparan. Sabi nga ng isang kabataang-istudyante sa panahon ng Martial Law, nasa pagkakaisa ang lakas, nasa pagsulong ng pakikibaka ang tagumpay.

Ang buhay ng mga migranteng Pilipino at maihahambing natin sa mga karakter sa kwento ng Mabuting Samaritano. Marami sa atin ang naging katulad ng manlalakbay na inabuso, ninakawan, sinugatan. Marami sa atin ang may ibat ibang reaksyon at pagtingin sa kalagayan ng manlalakbay. May ilan sa atin ang walang pakialam sa nangyayari sa panlipunang kalagayan. May ilan sa atin ang piniling umiwas sa nakikitang mga problema kahit may direktang epekto ito sa kanyang kalagayan. May ilan sa atin ang naging mabuting samaritano. Ang kwento ng mabuting samaritano ay hindi nagtatapos sa pagtulong at pag-aruga sa inabuso, ninakawan at nasugatang manlalakbay. Ang hamon ng kwento ng mabuting samaritano ay kung papaanong ang dinadaanan ng mga manlalakbay ay magiging ligtas sa anumang panganib, mapayapa at maaliwalas.

Sa araw ng inyong pagdiriwang sa pagkakatatag ng Umangat Migrante dalangin ko na sana patuloy at determinado nyong harapin ang hamon ng kasalukuyang panahong at kalagayan.

Members and friends of Umangat-Migrante Rome on its 19th anniversary

Pagpalain kayo ng Panginoon Diyos sa inyong patuloy at aktibong paglahok sa pakikibaka ng migranteng Pilipino at mamamayang Pilipino para sa isang ganap na panlipunang pagbabago sa ating bayan na ang bawat mamamayan ay nakakatamasa ng panlipunang katarungan, ligtas sa anumang gutom at kapahamakan, may katiyakan sa trabaho at disenteng sahod, may lupang sinasaka ang bawat magsasaka, may paggalang sa karapatan ng mga katutubo na kolektibong paunlarin ang kanilang pamayanan – isang bayang may ganap na kapayapaan at kalayaan!

Mabuhay ang Umangat Migrante! Mabuhay ang Migranteng Pilipino!
Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!

Father Herbert Fadriquela
Chairperson
Migrante Europe

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here