Roma, Italya
June 21, 2019
Sa pangunguna ng UMANGAT-MIGRANTE Rome ay naglungsad ito ng isang kilos protesta upang ipaabot ang pakikiisa sa Global Protest Against Duterte’s Dictatorship.
Nilahukan ito ng ibat-ibang mga organisasyon ng Migrante sa Roma, Italya na mahigpit na nakikiisa para ipanawagan ang pagwawakas sa pasistang pamamahala ng Rehimeng Duterte at pagpapatigil ng walang habas na pagpaslang at panggigipit sa mga kasapi ng mga progresibong organisasyon.
Nirehistro din sa nasabing pagkilos ang mahigpit na pagkundena sa ginagawang pananakop ng bansang tsina sa mga islang nasasakupan ng ating bansa at ang pagkundena sa rehimeng duterte sa kainutilan nito sa paggigiit at pagtatanggol ng ating pambansang soberanya.
Sa pagtatapos ay nanawagan din ang mga nagprotesta ng pagsusulong at pagpapatupad ng tunay na reporma at pambansang industriyalisasyon sa ating Bansa at pagwawakas sa Labor Export Policy ng rehimen.