Paaralang Migrante: Sagip Migrante Covid19 Response

0

Sa ibayong paglala ng krisis hatid ng pandemyang Covid-19, marami na naman sa ating mga kababayan sa Netherlands ang nawawalan ng trabaho at sapat na kita upang mabuhay sa Europa at upang masuportahan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Sa pahayag ni Prime Minister Mark Rutte noong Oktubre 13 kaugnay ng mga alituntunin upang maiwasan ang ibayong pagdami ng mga kaso ng pagkahawa sa Covid-19, mahigpit ang pagpapatupad nito sa lahat ng mamamayan, institusyon at pagawaan. Sa partikular, mahigpit ang habilin sa sektor ng horeca (hotel, restaurant at cafe) at mga kabahayan kung saan marami sa mga Filipino ang nagtratrabaho sa pamamagitan ng pansamantalang kontrata at impormal na kasunduan.

Sagip Migrante Medical Aid

Kung ikaw ay nakakaramdam ng mga sintomas ng Covid-19, ano ang nararapat gawin? Kung ikaw ay walang insurance, saan ka tatakbo? Aling mga numero at ahensiya ng pamahalaan ang mahalagang malaman ng bawat isa at mailagay sa telepono? Kung ikaw ay nakakaramdam ng mga sintomas ng anxiety o matinding takot at panik, sino ang maaaring makatulong saĆ½o?

Sagip Migrante Legal Aid

Kung ikaw ay biglaang tinanggal sa trabaho, anu-ano ang iyong mga ligal na karapatan sang-ayon sa iyong kontrata at panahon ng pagtratrabaho? Kung ikaw ay walang papel ngunit matagal nang naninilbihan sa iba’t ibang pamilya, anu-ano ang iyong mga ligal na karapatan? Paano magkaroon ng akses sa sosyalisadong serbisyong ligal (mura o libreng serbisyo ng abogado) sa Netherlands?

Sagip Migrante Food & Financial Aid

Kung ikaw ay wala nang pambili ng pagkain at pambayad sa upa sa bahay, aling mga ahensiya ng pamahalaan at pribadong mga insitusyon ka maaaring dumulog ng tulong?

Sagip Migrante Balikbayan Aid

Kung ikaw ay nababahala sa sariling kaligtasan at sustenadong pamumuhay dito sa Netherlands at malakas ang iyong kagustuhang makapiling na ang iyong pamilya sa Pilipinas ngunit ikaw ay walang pera upang makaalis, saan maaaring humingi ng tulong para magkaroon ng libreng pamasahe sa eroplano at maging ng kaunting puhunan para sa maaaring ikabubuhay sa Pilipinas?

Dumalo sa Sagip Migrante Webinar

Alamin ang lahat ng ito sa Zoom webinar, Sagip Migrante Covid 19 Response. Ito ay libreng talakayan at konsultasyon kaya pinapayuhan ang mga kalahok na ihanda ang lahat ng mga katanungan, mga kaugnay na dokumento na nais ikonsulta at iba pa.

Para sa mga may kagyat na problema at usapin, maaaring magpadala ng paunang mensahe sa [email protected] at +31624617468.

Para sa link ng Zoom webinar, magparehistro po lamang dito: http://bit.ly/PaaralangMigrante.

Ang webinar ay inoorganisa tuwing Biyernes at tumatalakay sa mga usapin kaugnay ng Buhay Migrante. Kasama ng libreng Dutch lesson tuwing Sabado, ito ay handog ng Paaralang Migrante na inoorganisa ng Migrante Netherlands Den Haag.

****

Academy for Filipino Migrants in the Netherlands:
Webinar on Sagip Migrante (Saving Lives) Covid-19 Response


As the crisis brought about by the Covid 19 pandemic worsens, many Filipino migrants in the Netherlands are vulnerable of losing their job and main source of income to sustain their cost of living in Europe and to be able to financially support their family in the Philippines.

In the recent declaration of Covid-19 measures by Prime Minister Mark Rutte on October 13, 2020, all citizens, institutions and companies nationwide are obliged to follow stricter measures to prevent the spread of virus. The implementation in the horeca (hotel, restaurant and cafe) sector and households are of special mention wherein many Filipino migrants are working with temporary contracts and informal arrangements.

Sagip Migrante Medical Aid

If you experience symptoms of Covid-19, what should you do? If you do not have an insurance, where should you go? Which hotlines of government agencies and private institutions are important for you to know and save in your phone? If you experience anxiety or severe fear and panick, who can help you?

Sagip Migrante Legal Aid

If you are retrenched from your job and your contract unexpectedly suspended, what are your legal rights based on your contract and length of service? If you are an undocumented but have long rendered services in various households or families, what legal right can you assert? How can you access the subsidized legal service in the Netherlands?

Sagip Migrante Food & Financial Aid

If you cannot afford anymore to buy food or pay accomodation rent, which government agencies and private institutions can you ask for help?

Sagip Migrante Balikbayan Aid

If you do not feel secure or is stressed about living sustainably in the Netherlands and you really have the desire to go back to the Philippines but do not have the means, where can you ask for help to avail of a free flight ticket and allowance for a small capital for a transition living in the Philippines?

Join us in the Sagip Migrante webinar

Know the answers to these questions and more in the Zoom webinar, Sagip Migrante Covid 19 response. The webinar is a free discussion and consultation. Participants are advised to prepare their questions, related documents etc.

For people with urgent concerns, please do not hesitate to send us a message through [email protected] and +31624617468.

For the Zoom Link, please register here: http://bit.ly/PaaralangMigrante.

The webinar is being organized every Friday and tackles issues concerning Migrants’ Lives. Along with free Dutch lesson every Saturday, it is offered by the Academy for Filipino Migrants in the Netherlands, an initiative of Migrante Netherlands Den Haag.

Paaralang Migrante: Karapatan ng Migranteng Kasambahay at Walang Papel sa Netherlands

0

Bilang migranteng tagalinis, taga-alaga, taga-hardin, taga-kumpuni, at taga-kung anu-ano pa upang makatulong sa maalwang araw ng mga pamilya sa Netherlands, anu-ano ang iyong karapatan bilang manggagawa?

Bilang migranteng walang papel ngunit nagtratrabaho nang walong oras at mahigit pa sa isang araw upang maglinis, mag-alaga, maghardin, magkumpuni, at mag-kung anu-ano pa upang makatulong sa maalwang araw ng mga pamilya sa Netherlands, anu-ano ang iyong karapatan bilang migranteng manggagawa?

Tama ba ang karanasang “no work, no pay” sa Netherlands sa panahon ng Covid-19?

Ano ang ibig sabihin ng pagkilala sa batas ng mga migranteng kasambahay?

Bakit nananawagan ang Migrante Netherlands para sa regularisasyon at paggawad ng amnestiyang papel para sa mga walang papel sa Netherlands at Europa?

Makitalakayan sa libreng webinar handog ng Migrante Netherlands Den Haag sa ika-9 ng Oktubre 2020 ng alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi sa pamamagitan ng Zoom.

Ang webinar na ito ay bahagi ng mga serye ng pag-aaral tuwing Biyernes sa Paaralang Migrante. Mayroon ding libreng pagsasanay ng wikang Olandes tuwing Sabado. Magparehistro lamang dito: http://bit.ly/PaaralangMigrante.

***
WEBINAR on the Rights of Domestic Migrant Workers and Undocumented Migrants in the Netherlands

As a migrant who provides domestic services such as cleaning, babysitting, caregiving, gardening, carpentry, construction, handyman works etc. to help families in the Netherlands, what are your rights as a worker?

As a migrant who has no residency and work permit but is working 8 hours or more per day as a cleaner, babysitter, gardener, carpenter, construction worker, handyman etc. to help families in the Netherlands, what are your rights as a migrant worker?

Is the experience of “no work, no pay” in the Netherlands during the Covid-19 pandemic justifiable?

What is the meaning of the recognition of laws protecting the rights of migrant domestic workers in the Netherlands?

Why is Migrante Netherlands calling for the regularization and amnesty to stay and work for undocumented migrants in the time of corona crisis?

Join us in a webinar educational discussion organized by Migrante Netherlands Den Haag on October 9, 2020 at 8:00 – 10:00 PM (CET) via Zoom.

This webinar is part of a series of discussions about issues impacting migrant workers conducted every Friday through the Migrante Netherlands School initiative. The school also offers free Dutch lesson every Saturday for Filipinos. To join, please register here: http://bit.ly/PaaralangMigrante.



Paaralang Migrante: Buhay Seafarer at Aupair sa Netherlands

0

Kumusta ang mga ka-Migranteng seafarer at aupair sa Netherlands?

Anu-ano ang mga hamon at pamamaraan upang harapin ang dagok hatid ng Covid 19?

Anu-ano ang mga karapatan ng mga seafarer at aupair na kailangang bantayan at ipaglaban?

Makipagtalakayan sa Webinar 5 handog ng Migrante Netherlands Den Haag. Para makasali, magparehistro lamang dito: http://bit.ly/PaaralangMigrante. Maaari ding magmensahe dito: [email protected].

Paaralang Migrante Webinar: Trabaho at Karapatan bilang Migrante sa Netherlands

Anu-ano ang mga hakbang sa paghahanap ng trabaho sa Netherlands?

Paano hinaharap ng mga migranteng Filipino ang mga hamon sa paghahanapbuhay sa gitna ng krisis hatid ng Covid 19?

Anu-ano ang mga karapatan ng mga manggagawang migrante na kailangang bantayan at ipaglaban?

Makipagtalakayan sa Webinar 4 handog ng Migrante Netherlands Den Haag. Para makasali, magparehistro lamang dito: http://bit.ly/PaaralangMigrante

Libreng Dutch Lesson para sa ka-Migrante

0


Handog ng Migrante Netherlands Den Haag ang libreng pagsasanay ng wikang Olandes.

Interesado? Magparehistro lamang dito: http://bit.ly/PaaralangMigranteRegistration

Paaralang Migrante Webinar: Diktadurya sa Pilipinas noon at ngayon

0


Ika-23 Setyembre 1972, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang batas militar sa Pilipinas.
Ipinasara ang mga pahayagan, radyo at telebisyon. Libo-libong mamamayan ang hinuli, tinortyur, nawala at pinaslang.

Ika-23 ng Mayo 2017, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa Mindanao.
Binomba ang mga paaralang Lumad, winasak ang buong pamayanan sa Marawi, marami ang hinuli, tinortyur at nagpapatuloy ang pamamaslang di lamang sa Mindanao kundi sa buong bansa. Ipinasara ang ABS-CBN habang ang mga manunulat gaya ni Maria Reesa at mga abogado gaya ni Benjamin Ramos ay pinapatahimik.

Itinaga nina Pang. Marcos at Pang. Duterte ang kanilang sarili sa buong mundo bilang sikat na diktadur.

Ano ang ibig sabihin ng diktadurya?
Ano ang itinuturo sa atin ng ating kasaysayan ng pagbabago?

Dumalo sa ikatlong webinar ng Paaralang Migrante
Ika-18 ng Setyembre 2020
8:00 – 10:00 ng gabi
Sa Zoom

Ang webinar ay bahagi ng Paaralang Migrante, isang inisyatiba ng mga libreng kurso online handog ng Migrante Netherlands Den Haag. Tampok sa mga webinar ang mga serye ng pag-aaral tungkol sa mga isyung umaalburoto sa buhay ng mga Filipino. Kasama rin sa Paaralang Migrante ang unang pagsasanay para sa wikang Olandes.

Ikaw ba ay interesado? Magparehistro po lamang dito: http://bit.ly/PaaralangMigranteRegistration

***
School for Filipino Migrants Webinar 3: Dictatorship in the Philippines, then and now

On September 23, 1972, Pres. Ferdinand Marcos declared martial law in the Philippines. Media outlets were closed such as papers, radio and televisions. Thousands of people were imprisoned, tortured, disappeared and killed.

On May 23, 2017, Pres. Rodrigo Duterte declared martial law in Mindanao Southern Philippines. The community schools of Lumad indigenous peoples were bombed, the whole village of Marawi was burnt and thousands of people since then are imprisoned, tortured and killed not only in Mindanao but in the whole country. The huge media channel ABSCBN is closed while writers like Maria Reesa and lawyers like Benjamin Ramos are forced to silence.

Both Pres. Marcos and and Pres. Duterte have marked themselves as internationally renowned dictators.

What does dictatorship mean?
What does our history of struggle for change teach us?

Join Migrante in its webinar 3
September 3, 2020
8:00 – 10:00 PM
Via Zoom

This webinar is part of Migrant Filipinos Academy, a learning initiative of free online curses offered by Migrante Netherlands Den Haag. The webinars highlight issues and concerns related to migrants’ life.

The school also offers free Dutch lessons for Filipinos.

Interested? Register here: http://bit.ly/PaaralangMigranteRegistration