Hustisya Para Sa CANLAON MASSACRE!

0
283

01 APRIL 2019 
BOLOGNA ITALY

OPISYAL NA PAHAYAG NG MGA BALANGAY NG MIGRANTE SA ITALYA.

MARIING KINOKONDENA NG MIGRANTE ITALY ANG KARUMALDUMAL NA PAMAMASLANG NG MGA MILITAR AT ANG KAPULISAN SA CANLAON NEGROS ORIENTAL SA MGA LABING-APAT NA PAWANG MAGSASAKA.

SA ILALIM NG ADMINISTRASYONG DUTERTE NOONG 29 MARSO LANG AY NAITALA ANG BILANG NA 168 NA MAGSASAKA ANG PINATAY AT SA IKA 30 NG MARSO AY UMAKYAT ITO NG 200 DAANG MAGSASAKA NA ANG PINASLANG.

MALIBAN SA MALAWAKANG PAGPATAY SA ATING MGA MAGSASAKA PINAPAHIRAPAN DIN ANG ATING GOBYERNO ANG MGA MAGSASAKA SA BAGONG BATAS NA INAPPROBAHAN AT IPINAPATUPAD NITO.
KAMAKAYLAN LANG INAPROBAHAN ANG PAGPAPATUPAD NG HOUSE BILL 7735 OR RICE TARIFFICATION BILL AT KUNG SAAN IPAPATUPAD NG ATING GOBYERNO ANG UNLIMITED NA PAG ANGKAT NG BIGAS NA SIYA RIN ANG DAHILAN ANG PAGBAGSAK AT PAG KALUGI NG MGA MAGSASAKA DAHIL SA MABABANG PRESYO NG PALAY DAHIL SA SOBRANG SUPPLY NG IMPORTED NA BIGAS.
GANITO TRATUHIN ANG ATING GOBYERNO ANG ATING MGA MAGSASAKA UNTI UNTING PINAPATAY DAHIL SA BATAS NA ITO.

ISANG MALAKING DAGOK DIN ITO SA MGA PAMILYA NG MGA OFW DAHIL KARAMIHAN SA AMING MGA PAMILYA AY UMAASA LAMANG SA PAGSASAKA.ITINUTURING DIN NA DAGDAG PAHIRAP ITO DAHIL SA EPEKTO NG MABABANG PRESYO SA BENTAHAN NG PALAY SA LOKAL NA MERKADO.

ANG HANAY NG MGA NAGKAKAISANG MIGRANTE DITO SA ITALYA PINAPAABOT NAMIN SA ATING GOBYERNO ANG AMING PAGKUNDINA SA LALO PANG LUMALALANG PAGPATAY. NANAWAGAN DIN KAMI NG HUSTISYA SA MGA LABING-APAT NA PINATAY SA CANLAON NEGROS AT SA LAHAT NA BIKTIMA NG WALANG HINTONG PAGPATAY SA MGA ORDINARYONG PILIPINO.

AMING DIN PINAPAABOT ANG AMING PAKIKIRAMAY AT NAKIKIISA KAMI SA PAGHAHANAP NG HUSTISYA SA MGA PAMILYA NG MGA MAGBUBUKID SA NEGROS.

#JUSTICE4CANLAON MASSACRE!!!
#STOP THE KILLING!!!
#BIGAS HINDI BALA!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here