Muling tatalakayin ng Migrante Netherlands Den Haag sa isang webinar ang mahalagang paksa hinggil sa akses sa serbisyong pangkalausugan at serbisyong dental laluna para sa mga kabayang walang papel o mga kabayang nasa kalagitnaan ng ligal na proseso para magkapapel sa Netherlands.
Kaugnay ng Covid-19 ay pag-uusapan rin sa webinar ang sitwasyon sa Pilipinas, ang proseso ng pagpapa-test sa Netherlands at ang mga bagong pambansang patakaran maging ng kaalaman hinggil sa pananaliksik para sa lunas na bakuna.
Kabilang sa mga panauhin sina Jason van Heesewijk at Sofi Vassileva: mga outreach presenter mula sa Dokters van de Wereld (Doctors of the World) at si Angie Gonzales mula sa Stichting Filipijnse Kinderen (Foundation for Filipino Children).
Ang webinar ay gaganapin sa Zoom sa ika-13 ng Nobyembre 2020 mula alas-otso hanggang alas-diyes ng gabi (NL time).
Para makasali sa sesyon, magparehistro lamang dito: https://bit.ly/ZoomWebinarHealthcare. Ang Zoom Meeting ID ay ipapadala sa iyong e-mail.
Ang webinar ay handog ng Paaralang Migrante, isang inisyatiba ng Migrante Netherlands Den Haag sa pagtataguyod nito ng karapatan at kagalingan ng mga mingranteng Filipino sa Netherlands.
Labas sa serye ng mga webinar na pumapaksa sa mga isyung may impak sa buhay at pamilya ng mga migranteng Filipino, handog rin ng Paaralang Migrante ang libreng online Dutch lesson para sa mga kabayan. Para sa mga nais dumalo sa klase, magparehistro po lamang dito http://bit.ly/PaaralangMigrante.
***
Migrante Netherlands Den Haag once again discusses through a webinar the important issue on healthcare and dental service especially for undocumented migrants and those who are undergoing a legal procedure for residency and have no insurance.
In connection to Covid-19, the following will also be discussed: the situation in the Philippines, how to get tested in the Netherlands, and updates on national measures as well as on knowledge based on research in relation to a vaccine solution to Covid-19.
Invited resource persons are Jason van Heesewijk and Sofi Vassileva: both outreach presenters of Dokters van de Wereld (Doctors of the World); and Angie Gonzales of Stichting Filippijnse Kinderen (Foundation for Filipino Children).
The webinar will be conducted via Zoom on 13 November 2020 between 20:00 – 22:00 (NL time).
To join, please register in advance here: https://bit.ly/ZoomWebinarHealthcare. The Zoom Meeting ID will be sent through e-mail after registration.
The webinar is brought to you by the Academy for Filipino Migrants, an initiative of Migrante Netherlands Den Haag in its effort to promote migrants’ rights and welfare.
Besides the webinar that tackles issues impacting the lives and families of Filipino migrant workers, the Academy for Filipino Migrants also offer online free Dutch lesson every Saturday at 20:00 – 22:00 (NL time). To join, please answer the Intake Form here: http://bit.ly/PaaralangMigrante.